ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kailan naganap ang ‘The Great Flood’ sa Pilipinas?
Inihalintulad ng marami sa bagyong “Ondoy" noong 2009 ang baha na idinulot ng hanging Habagat kamakailan na nagpalubog sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan. Pero alam niyo ba na noong 1972 ay naganap ang tinawag na “The Great Flood" na nagpalubog din sa maraming lugar sa Luzon. Hulyo 1972 nang halos isang buwan na umulan sa Luzon dahil sa mga bagyo at habagat. Ang resulta, nalubog sa malalim na baha ang malaking bahagi ng Metro Manila, gayundin ang halos buong Central Luzon. Sinasabing sa ikalawang linggo ng Agosto nang tuluyang sumikat ang araw at saka nalantad ang matinding pinsala na idinulot ng pag-ulan. Hindi bababa sa 500 katao ang nasawi at hekta-hektaryang taniman ang nawasak. - FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular