ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kaso ng leptospirosis sa Iloilo, nabawasan
Sakabila ng pagsalakay ng mga daga sa mga palayan sa Cabatuan, Iloilo, bumaba pa rin ang bilang ng mga tao sa nabanggit na bayan na tinamaan ng leptospirosis. Sa talaan ng Provincial Health Office ng Iloilo, lumitaw na dalawang kaso lang ang naitala nitong Hulyo, higit na mababa sa 86 na kaso na naitala noong Hunyo, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV. Una rito, inihayag ng Department of Health na masusi nilang susubaybayan ang mga kaso ng leptospirosis sa bansa bunga na rin ng mga pagbahang nangyari sa maraming lugar. Ang leptospirosis ay nakukuha sa tubig na kontaminado ng ihi ng daga. -- FRJ, GMA News
Tags: leptospiroses, iloilo
More Videos
Most Popular