Lalaki, nalunod sa binahang bukid sa Pangasinan
Isang lalaki na sinasabing maglilinis lang ng katawan ang nasawi matapos malunod sa binahang bukid sa Malasiqui, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, sinabi ni Daniel Bulatao na maputik ang katawan ng kanyang pinsan na si Mike Bulatao kaya naisipan nitong maglinis sa binahang sakahan noong Martes. Tatlong beses umanong nakaahon si Mark pero sa ikaapat nitong apglubog ay hindi na ito nakaahon. Inabot pa ng magdamag bago nakita ang kanyang bangkay. Patay sa nakalap na impormasyon ng pulisya, mayroon umanong epilepsy ang biktima. May nagsasabi rin na nakainom ito ng alak nang masawi. Sa Lingayen, pinamamahayan na ng mga isda ang Libtong Elementary School na mahigit isang linggo nang lubog sa baha kaya nananatiling walang pasok. Sa Binalonan, tatlong bahay na ang nawasak sa Brgy. Mangcasuy dahil sa patuloy na pagguho ng lupa sa Tagamusing river bunga ng pagragasa ng tubig. -- FRJ, GMA News