People's Survival Fund ganap nang isang batas
Ganap nang batas ang People's Survival Fund matapos itong lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III. Ang nasabing batas ay naglalayon na makapagpapatupad ng agarang aksiyon ang panahalaan kontra sa epekto ng climate change para makapaghanda sa anumang kalamidad ang mga komunidad sa Pilipinas, ayon sa ulat ni Tuesday Niu sa DZBB. Sinabi ni Climate Change Commission Secrertary Mary Ann Sering na P1 bilyon kada taon ang paunang pondo na ilalaan para sa PSF. Maaari umanong madagdagan ang budget sa pamamagitan ng mga donasyon, grant at kontribusyon. Naniniwala si Sering na sa pamamagitan ng nasabing batas magkakaroon na ng pundo na maasahan sa panahon ng kalamidad at mapatatatag ang mga komunidad laban sa matinding epekto ng climate change sa bansa. Pinagtibay ng PSF ang ilang probisyon ng Republic Act 729 (Climate Change Act of 2009) para masegurado na akma ang ipinatutupad na local program laban sa mga sakuna ang mga komunidad. — LBG, GMA News