ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pamilya sa Cebu, na-food poison; 3-anyos na biktima, ‘di na umabot ng buhay sa ospital


Limang miyembro ng isang pamilya sa Argao, Cebu ang isinugod sa ospital matapos na mabiktima umano ng food poisoning. Isa sa mga biktima na tatlong-taong gulang ang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing dinala sa pagamutan ang pamilya Famat noong Linggo dahil sa pagsusuka at pananakit ng tiyan. Hanggang sa kasalukuyan ay nakaratay pa sa ospital ang apat na kasama ng isang dalawang-taong gulang na biktima. Kwento ng isang kaanak ng mga biktima, isa sa kanila ang nagpunta sa kapistahan at nag-uwi ng ulam na baboy at pansit. Kinabukasan ay nagkasakit na ang mga biktima. Nahihirapan naman daw ang mga doktor na matiyak kung food poison nga ang dahilan ng pagkakasakit ng mga biktima dahil wala nang natira sa pagkain para masuri. Bukod kasi sa pagkain, maaari umanong nakuha ng mga biktima ang sakit sa inuming tubig. - FRJ, GMA News

Tags: cebu, foodpoison