ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Babae na tumalon sa riles ng LRT, patay matapos masagasaan ng tren
Patay ang isang hindi pa nakilalang babae nang masagasaan ng tren matapos siya tumalon sa riles ng Light-Rail Transit (LRT) EDSA station dakong alas-5:50 ng umaga nitong Huwebes. "Hindi lang tinamaan, talagang nasagasaan (She was hit by the train),"Ito ang sinabi ni Atty Hernando Cabrera, spokesman ng LRT Authority, sa panayam sa dzBB. Napilitan ang LRT-1 na limitahan ang operasyon nito. Sa ulat naman ni Sam Nielsen sa dzBB, maraming mga pasahero ang stranded sa LRT-1 Edsa station dahil sa nangyari. Napag-alaman na limitado ang operasyon ng LRT mula lamang Central hanggang Roosevelt, at pabalik. Kanselado muna ang biyahe ng tren mula Baclaran papuntang Central, at pabalik. — LBG, GMA News
More Videos
Most Popular