ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga insidente ng pagpapatiwakal sa LRT1


Mula nang mag-operate ang Light Rail Transit (LRT) System Line 1 noong 1984, sinasabing umabot na sa 24 ang naitalang suicide incidents dito. Lumitaw din na mas maraming babae ang magpatiwakal sa lugar. Nitong Huwebes ng umaga, isang babae ang nasawi nang tumalon umano sa riles nang makita ang paparating na tren sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) station ng LRT. Ngunit hindi ito ang unang insidente ng pagpapatiwakal sa LRT. Sa impormasyong ibinigay ni LRTA spokesman Hernando Cabrera, sinabi nito na mula noong 1984, umabot na sa 24 ang suicide incident sa LRT1 at 10 sa kanila ang tuluyang nasawi. Sa naturang mga insidente, 19 ang kinasangkutan ng mga babae at lima ang lalaki. Pinakamaraming insidente ng suicide sa LRT1 ang naganap noong 1998 na umabot sa pito, at lima sa kanila ang tuluyang nasawi. Ang LRT1 ay may ruta mula Monumento, Caloocan hanggang Baclaran, Manila. Nitong 2012, nadagdagan ang ruta nito hanggang Roosevelt (EDSA), Quezon City. -FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia