Tanggapan ng DFA Mindanao inilipat sa SM Davao
Inilipat na sa 3rd floor ng SM Davao ang opisina ng Department of Foreign Affairs (DFA)-Mindanao at ng Regional Consular Office sa Davao City (RCO Davao) at inaasahang mapakagproseso ito ng 300 walk-in passport applicants kada araw. Ang nasabing paglipat ay inanunsyo sa isang update sa DFA website kung saan sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ang naturang hakbang ay isa sa mga paraan ng DFA para mapabuti ang serbisyo nito sa mga mamamayan. "Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario hails the opening as yet another milestone in the continuing efforts of the Department to provide exceptional, accessible and convenient service to the public. The opening of DFA Mindanao-RCO Davao in SM Davao comes after the successful formal inauguration of the DFA-NCR East Satellite Office in SM Megamall last August 31," ayon pa sa DFA website. Kasalukyang tumatanggap ng mga passport applications ang DFA office sa SM Davao. Malapit na rin umano ito'ng tatanggap ng mga aplikasyon para sa authentication ng mga dokumento. Magkakaroon ng soft opening ang RCO Davao mula ika-3 hanggang 8 ng Setyembre, habang ang full operations ay magsisimula sa darating na Setyembre 10. "The Davao office is open Monday to Saturday, from 10 a.m. to 8 p.m. for both processing and releasing of passports and Sundays, 10 a.m. to 2 p.m., for passport releasing," dagdag pa ng DFA. Ang RCO Davao ay pinamumunuan ng Officer-in-Charge na si Flora Belinda Bacosa. — LBG, GMA News