ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Malabon Mayor Tito Oreta, pumanaw na
Pumanaw na nitong Lunes ng umaga si Malabon City Mayor Canuto "Tito" Oreta, 73 anyos.
Ayon kay Ronnie Gumatay, tauhan ng Public Information Office ng lokal na pamahalaan ng Malabon, pumanaw nitong bandang 9:30 ng umaga ang mayor sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City.
Ayon sa kanya, hindi pa nila makumpirma ang dahilan sa kanyang pagpanaw ngunit ayon sa mga naunang ulat, na-diagnose sa sakit na cancer ang mayor at kinailangang manatili muna sa ospital. Sa ulat ni dzBB reporter Allan Gatus, noong 2007 pa umano nilalabanan ni Oreta ang sakit na lung cancer ayon kay Bong Padua, public information officer din ng Malabon. Sa isang post sa GMA News' Twitter account, sinabi nito na ayon sa anak ni Oreta na si Paulo, ang labi ng alkalde ay dadalhin sa tahanan nito. Ayon kay Gumatay, dahil sa kanyang pananatili sa ospital, kinailangan muna niyang ipagliban ang kanyang trabaho.
Sa kanyang pagliliban, pansamantalang pinamunuan ni Malabon City Vice Mayor Antolin Oreta III, ang kanyang pamangkin at anak ni dating Senator Tessie Oreta, ang posisyon simula nitong Marso, dagdag niya. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: canutooreta, titooreta
More Videos
Most Popular