ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DA nagsagawa ng cloud-seeding operations sa Bohol


Nagsasagawa ng cloud seeding operations ang Department of Agriculture ng Central Visayas sa probinsiya ng Bohol dahil sa matinding tagtuyot doon na epekto ng namumuong El Niño phenomenon sa Pacific Ocean. Sa ulat ni Glenn Juego sa dzBB, sinabi ni Leon Pirac, Jr. ng DA-Bohol na nag-umpisa ang tagtuyot sa probinsya noong nakaraang buwan pa. Patuloy umano ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam doon. Sinabi rin ni Pirac na nababahala na ang pmahalaang probinsya, pati na rin ang mga magsasaka dahil tuyot na tuyot na ang nagkabitak-bitak na ang lupa ng kanilang mga sakahan. Ang cloud-seeding operation ay ang pag-spray, sa pamamagitan ng eroplano, ng tinatawag na ice nuclei at iba pang mga substance upang bumigat ang kaulapan at umulan. Aminado si Pirac na hindi madali ang ginagawa nilang cloud seeding operation dahil kailangan umano nila ng malaking pundo, lalo pa kung magtuluy-tuloy ang tagtuyot. — LBG, GMA News