NDRRMC: 1 bahay nagiba dahil sa flash flood sa Cebu City
Nagiba ang isang bahay habang bahagyang napinsala ang isa pa sa Cebu City sa kasagsagan ng biglaang pagbaha dulot ng malakas na pag-uulan noong Sabado, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo. Ayon sa ulat sa kanilang website, inihayag ng NDRRMC na naganap ang insidente Sabado ng hapon sa Sitio Lukana sa Barangay Kalunusan sa Cebu City. Ayon sa NDRRMC, naganap ang flash flood dahil sa pag-apaw ng Guadalupe River. "One house was totally damaged while another was partially damaged. As of reporting time, no casualty was reported," ayon NDRRMC. Ayon nito, rumesponde sa insidente ang Bureau of Fire Protection, ang disaster risk reduction and management council ng barangay, at ang Philippine Red Cross. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News