ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Patay na sanggol natagpuan sa basurahan sa Makati  


Natagpuan ng isang garbage collector ang isang bagong silang na sanggol na lalaki na wala nang buhay at nakabalot ng  puting tarpaulin sa basurahan sa may kanto ng Zapote at Mantojo Streets sa barangay Sta Cruz, Makati City, umaga nitong araw ng Linggo.   Sa ulat ni Glenn Juego sa dzBB, sinabi ni Police Inspector Rey Bautista ng Makati City Police na may umbilical cord pa ang sanggol na nakapalupot sa leeg nito.   Ihahagis na sana ng garbage collector ang putting tarpaulin papunta sa garbage truck ng bigla na lamang umanong lumawit ang braso ng sanggol, ayon sa lulat.   Hindi pa malinaw kung sino ang nag-iwan sa sanggol sa basurahan.   Samantala, nanlumo naman si retired Archbishop Oscar Cruz nang marinig ang naturang balita.   Sa panayam ng dzBB, sinabi ni Cruz na "Kapag ang buhay ay binabalewala, wala tayong mapupuntahan. Puwede namang ipa-adopt o ipamigay ang bata. Marami ang gustong mag-adopt.”  — LBG, GMA News