ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Comelec pinayuhan: 'Wag palawigin ang deadline sa paghahain ng COCs


Pinayuhan ng isang poll watchdog group ang Commission of Elections na huwag nang palawigin ang deadline sa paghain ng certificates of candidacy dahil kakapusin sa oras ang ang paghahanda ng technical services para sa automated elections. Sa report ni Cecille Cillarosa sa DZBB, sinabi ni Parish Pastoral Council for Responsbile Voting (PPCRV) chairperson Henrietta de Villa na hindi na maaaring patagalin pa ang filing ng COCs dahil automated na ang halalan. Sinabi pa ni De Villa na kailangan matapos ang filing ng COCs sa takdang panahon dahil kailangang malaman agad kung sinu-sino ang mga kakandidato para maikonsidera sa pag-imprinta ng balota para sa PCOS machines. Nauna nang itinakda ng Comelec ang paghahain ng COC mula Oktobre 1 hanggang Oktobre 5, at mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Kaugnay nito, tiniyak naman ng PPCRV na hindi lamang tagapagbantay para sa malinis at mapayapang na eleksiyon ang kanilang gagawin, kundi magiging konsensiya din umano ito ng mga botante. — MM /LBG, GMA News

Tags: ppcrv, comelec, cocs