ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Aquino, nakarating na ng Brunei para sa kasal ng anak ng Sultan


Nagtungo si Pangulong Benigno Aquino III nitong Linggo ng umaga sa Brunei upang dumalo sa wedding presentation ng anak ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei sa Istana Nurul Iman Palace. Sumakay si Aquino sa Villamor Air Base nitong 6:45 ng umaga sa eroplanong patungong Brunei, ayon sa ulat ni Mao dela Cruz sa radio dzBB. Nakasaad sa Twitter account ni Aquino na nakarating siya sa Brunei bago magtanghali. Nauna nang inihayag ng Malacañang na ang pagtungo ni Aquino sa Brunei ay "informal diplomacy." "Given that it is important to continue to strengthen our relations with fellow ASEAN countries, the President will be engaging in some informal diplomacy,” ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte. Nakatakdang ikasal si Princess Hajah Hafiza Sururul Bolkiah, 32, ikalimang anak ng Sultan at ng kanyang asawa na si Queen Saleha, kay Haji Muhammad Ruzaini sa darating na Huwebes. Ayon sa Malacañang, buong linggo ang pagdiriwang ng kasal sa Brunei. — Amanda Fernandez/BM, GMA News