ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
CHR, nais imbestigahan ang karahasan sa demolisyon sa Guatemala Compound sa Makati
Nais imbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang karahasan sa isinagawang demolisyon ng mga tirahan sa Guatemala Compound, ang lupang pagmamay-ari ng gobyerno, sa lungsod ng Makati noong Lunes.
Sa panayam ni Allan Gatus sa radio dzBB nitong Martes, inihayag ni CHR chairperson Loretta Ann Rosales na pinaplano niyang imbitahan ang mga kinatawan ng mga sangkot na partido upang pakinggan ang kanilang mga panig.
Ayon kay Rosales, nais niyang imbestigahan kung sino ang nagsimula ng kaguluhan kung saan mahigit 20 katao ang sugatan.
Haharap ng mga kriminal na kaso ang mapapatunayang nagsimula ng kaguluhan sa isinagawang demolisyon.
Mahigit walong katao ang arestado matapos ang insidente.
Ayon kay Rosales, ikinagulat ng mga CHR field investigator sa lugar ang pagsiklab ng kaguluhan sapagkat pumayag na umano ang mga residente na ma-relocate.
Nanghagis ang mga residente ng mga bato at bote, na pinaghihinalaang may lamang urine,
sa 100-kataong miyembro ng demolition team.
Sa tulong ng mga pulis, nakapasok ang demolition team sa loob ng compound at sinimulang bakbakin ang mga tirahan.
Karamihan sa mga apektadong residente ay nagpalipas ng gabi sa malapit na gymnasium. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: demolition, guatemalacompound
More Videos
Most Popular