ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pelikula tungkol sa buhay ni Blessed Pedro Calungsod, umani ng papuri


Ipinalabas na sa Cebu City ang pelikulang hango sa buhay ng Visayan martyr na si Blessed Pedro Calungsod. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing umani ng papuri mula sa mga manonood ang naturang pelikula na nagawa sa loob lamang ng tatlong araw. Maging si Cebu Archbishop Jose Palma ay nagpahayag ng kanyang paghanga sa naturang pelikula na nabuo gamit lamang ang nag-iisang camera. Ang pagpapalabas ng pelikula ay bahagi ng pagbibigay pugay kay Calungsod na idedeklarang santo sa Oktubre 21 na gagawin sa Vatican. Si Calungsod ang magiging pangalawang santo na Filipino. Una rito ay si San Lorenzo Ruiz. - FRJ, GMA News