ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Website ng Agusan Sur provincial gov't, 'di nakaligtas sa hacking


Hindi nakaligtas ang website ng probinsya ng Agusan del Sur sa pang-aatake ng grupo ng mga hacker na tumuligsa sa kapapasa lamang na Cyber Crime Prevention Act of 2012. Matatandaang maraming mga website ng gobyerno kamakalawa ang nabiktima ng hacking spree, kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

Screenshot ng Agusan Sur website dakong alas-6 ng umaga nitong Linggo GMA News
'Pag bubuksan mo ang website na www.agusandelsur.gov.ph, kulay itim ang lalabas na background kung saan kulay pula naman ang mga letrang lalabas ng hacker na nagpakilala na ( -= Hacked by Ang31sOn-PcA ) = -). Ayon sa walong paragraph na pahayag ng hacker, mariin nilang kinondena ang pagsasabatas ng cybercrime law at sinabing ipinagkait sa kanila ng gobyerno ang malayang pamamahayag. "We, the youth, journalists, activists, bloggers, and netizens of the Philippines express our outright condemnation to the passage of republic Act No. 10175, or the Cybercrime Prevention Act of 2012, which poses serious threats to the Internet freedom, the right to privacy and other essential civil liberties including the freedom of speech, expression, and the press," pambungad na pahayag ng hacker. Partikular ding kinondena ng blogger si Senador Vicente Sotto III dahil ang senador umano ang nagsingit ng probisyon ng libel sa bagong batas. "We express our highest condenmation to the bicameral conference committee, especially to Senator Vicente Sotto III, for inserting the online libel provisions, which are not present even in the 2001 Budapest Convention on Cybercrime penned by the Council of Europe, which was the basis for R.A. 10175," sabi pa ng statement ng hacker. Habang idineklara ng blogger na kasama nila ang iba pang mga kontra sa nasabing batas, ipagpapatuloy nila umano ang kanilang krusada laban sa tinatawag nilang mapanggipit na batas laban sa mga gumagamit ng Internet para ipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin. "As several provisions in this law are clearly unconstitutional, we strongly urge the government to junk this legislation and prevent the enacment of e-Martial law. The passage of this law seemingly reflects the Aquino administration's policy of neglect. This must be stopped, by all means," sabi pa ng hacker. Samantala, mariing tinuligsa ni Agusan del Sur Vice Governor Santiago Cane Jr. ang nangyaring pag-hack ng website ng kanilang pamahalaang probinsiyal. Ayon sa kanya, pinagpaguran nilang gawin ang website, at ginastusan ng pera ng mamamayan para sa sana gamitin ito sa ikauunlad ng kanilang probinsiya. "I'm enraged to give any comment. For years, our province tried to have a working website, spent people's money for its development, and now this hacking!" pahayag ni Cane sa isang text message na ipinadala sa GMA News Online. "Why hack websites of struggling LGUs? We are not a party to the crafting of the cybercrime law, so 'patriotic' hackers, why punish the innocent LGU?" dagdag pa ni Cane. Si Cane ang tinaguriang ama ng "paperless sessions" ng Pilipinas kung saan gamit ang tekonolohiya ng computer at Internet, ay sinimulan niya ang kaunaunahang "paperless session" ng provincial board ng Agusan del Sur taong 2007. Mula noon, marami nang mga provincial at city government sa buong Pilipinas ang sumunod sa "paperless session" na inumpisahan ng nasabing opisyal. Matatandaan na ilang mga kaso na rin ang naisampa sa Korte Suprema. — MM /LBG, GMA News