9K high-end jobs sa Bahrain bukas sa Pinoy
Inaasahan ng Deapartment of Labor and Employment na mapunan ng Pilipinas ang kulang-kulang 9,000 job vacancies sa ilang mga industriya sa Bahrain sa loob ng tatlong taon, ayon sa isang source sa DOLE noong Lunes. Sinabi ng source na ihahayag ng DOLE ang detlaye sa job vacancies kapag naayos na ang negosasyon sa mga opisyal ng Bahrain. Ayon pa sa kanya, hindi pa kasama sa naturang job vacancies ang pangangailangan ng Bahrain na mga domestic helper, na kadalasan pinapasukan ng mga Pilipina. Sa panayam ng GMANews.TV sinabi ni Maria Fe Nicodemus, executive director ng Kakammpi (Kapisanan nga mga Kapamilya ng mga Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.) na nabanggit din ng Foreign Affairs Department ang balak ng DOLE sa job vacancies sa Bahrain. May mga inisyal na umanong pakipag-usap ang DOLE sa mga kinaaukulan sa Bahrain kasabay ng 12th Asean Summit na ginanap sa Cebu City kamakailan. Samantala, iniulat ni Eunice del Rosario ng Gulf Daily News (GDN), January 22, na sinabi ng isang source ang naturang balak ng DOLE. Idinagdag pa ng GDN sa naturang ulat ang sinabi ng Manila source na "The Philippines overall is looking to fill the projected manpower demand of more than half a million jobs in nine Middle Eastern countries over the next three years, as a boom in the jobs market is expected once again in the important region." Ang job vacancies ay nakahanay umano sa tinaguriang âhighly-skilled" work sa larangan ng komunikasyon o information technology, hotel and restaurant business, aviation, medical services, tourism at iba pa. Umaasa ang DOLE na sa pamamagitan ng naturang hakbang makakakuha ang Pilipinas ng de kalidad na trabaho hindi lamang sa Bahrain kundi sampu ng mga bansa sa Middle East. Mahigit umano sa kalahating milyon ang âhigh-end" jobs ang maghihintay sa mga Pinoy sa Arab countries hanggang 2010, ayon pa sa source. âGMANews.TV