ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bungo na may piring sa mata, nahukay


Palaisipan ngayon sa pulisya ang pagkakakilanlan sa isang bungo ng tao na nahukay sa isang sakahan sa Davao City. Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, inihayag umano ng pulisya na ang nahukay na bungo sa Brgy. Tagluno ay may piring na telang pula sa mata. Naghukay pa umano ang mga pulis sa lugar para maghanap ng iba pang bahagi ng kalansay pero wala na silang nakita. Kwento naman ng mga residente, isang kababayan nila ang nawala noon 1990 at aalamin ngayon ng mga imbestigador kung ito ang bungo ng tinutukoy na tao. – FRJ, GMA News