ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Grand winner ng isang reality TV show, nasangkot sa kasong pagpatay


Sinampahan ng kasong murder sa Naga City ang grand winner ng isang reality TV show at kanyang pinsan dahil sa pagkamatay ng isang court sheriff sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon, sinabing sangkot sa pagkamatay ng biktimang si Rommel Licmoan sina Larry Martin at pinsan nitong si Faustino Galvan. Ayon sa pulisya nasasangkot ang dalawa sa pambubugbog umano kay Licmoan noong Setyembre na humantong sa pagkamatay ng biktima. Sinasabing nag-ugat ang krimen nang bastusin umano biktima ang nobya ni Galvan. Wala pang ibinibigay na pahayag ang mga suspek tungkol sa kasong isinampa sa kanila. Si Martin ang itinanghal na grand winner sa reality show na “Biggest Loser Philippines" noong 2011 na ipinalabas sa ibang network. - FRJ, GMA News