ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hulyo, ipinadedeklarang National Bullying Awareness & Prevention Month


Para palakasin ang kaalaman ng publiko sa masamang epekto ng bullying, nais ng isang kongresista na magpasa ng batas para idelarang “National Bullying Awareness and Prevention Month" ang Hulyo. Sa isang pahayag nitong Sabado, binigyan-diin ni Caloocan Rep. Mary Mitzi Cajayon, ang kahalagahan na maprotektahan ang mga kabataan laban sa kapwa na mapang-abuso at mapagsamantala. Maganda umanong ipagdiwang ang National Bullying Awareness and Prevention Month sa Hulyo dahil kasisimula pa lamang ng pasukan ng klase sa mga paaralan. “Hence, the month of July is an opportune time to raise awareness on the problem of bullying in schools and conduct activities to stop this form of violence against children," paliwanag ni Cajayon, chairperson ng House Committee on Globalization and WTO. Idinagdag ng kongresista na seryosong usapin na sa bansa ang bullying kung saan nalalantad ang mga kabataan sa pang-aabuso ng kanilang kapwa kabataan lalo na sa paaralan. Sa isinagawa umanong pag-aaral na, “Bullying in Middle Schools: An Asian Pacific Regional Study (2008, Vol. 9, No. 4), lumitaw na mataas ang naitalang kaso sa mga kabataang Pilipino na ginagawang “katatawan" ng kanilang kapwa na umaabot ng hanggang 58 percent kumpara sa mga kabataan sa Australia, Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Singapore at Taiwan. “The Philippines ranked higher than the rest of other countries in all categories like 39 percent theft; 36 percent were physically hurt; 45 percent were forced to do things they did not want; and 30 percent were left out of groups," ayon sa kongresista. “In view of the spate of bullying incidents and bullying-related crimes in the country, this proposal aims to raise awareness and concern of Filipinos regarding bullying prevention and the importance of creating safe and protective spaces for children in order to promote universal primary education," pagdiin ni Cajayon. Sa ilalim ng panukalang batas, aatasan ang Department of Education na pangunahan ang pagdaraos ng mga programa at proyektong magbibigay kaalaman sa masamang dulot ng bullying sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. - RP/FRJ, GMA News

Tags: bullying, bully