ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buwaya, nahuli ng mangingisda sa tabing-dagat sa Guimaras


Hindi isda, kung hindi buwaya ang nahuli ng isang mangingisda sa Guimaras, ayon sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes. Nahuli umano ang buwaya sa Isla Inampulugan sa bayan ng Sibunag, Guimaras. Sa isinagawang pagsusuri ng Guimaras Environment and Natural Resources Office, ang buwaya ay may haba umanong limang talampakan at walong pulgada. Posibleng nakatakas daw ang buwaya sa tagapag-alaga nito. Dinala ang buwaya sa isang wildlife farm sa bayan ng Nueva Valencia. Kamakailan lang ay isang 20 talampakang buwaya rin ang nahuli naman sa Indanan, Sulu. - FRJ, GMA News