ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nasawi sa bagyong 'Pablo,' umakyat na umano 6 katao sa Davao Oriental


Umabot na sa anim katao ang nasawi sa Davao Oriental dahil sa pananalasa ng bagyong 'Pablo' na itinuturing pinakamalakas na bagyo na tumama sa Mindanao ngayong taon. Sa text message na pinadala ni 1st Lt. Christy Achanzar ng 701st Infantry Brigade ng Philippine Army, nitong Martes ng hapon, nakasaad na isa ang namatay sa bayan ng Taragona, dalawa naman mula sa bayan ng Manay, at tatlo sa bayan ng Caraga. Ang nasabing bilang ng mga namatay ay siyang update 2:00 ng hapon nitong Martes, ayon kay Achanzar. Umabot naman umano sa 3,509 katao ang bilang ng evacuees mula sa 11 bayan. Ayon sa opisyal, may 960 katao ang nagsilikas mula sa bayan ng Bagangga, kung saan unang nag- landfall ang bagyong Pablo. Sa bayan ng Banaybanay, may 42 katao ang evacuees; sa Lupon may 442, San Isidro, 40; Governor Generoso, 33; Mati City, 810; Tarragona, 187; Manay, 355; Caraga, 170; Cateel, 1,390; at sa Boston ay 230 katao ang nagsilikas. Ilang lugar din sa lalawigan ang walang suplay ng kuryente dahil sa bagyo. -- MM/FRJ, GMA News