ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
NDRRMC: Bilang ng mga namatay sa bagyong Pablo, mahigit 1000 na
Umabot na sa 1,020 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Pablo na nanalasa sa ilang mga probinsiya sa Mindanao at Visayas, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo ng umaga. Sa 6 a.m. update ng NDRRMC, 2,662 katao ang sugatan habang 844 pa ang patuloy na pinaghahanap. Dagdag nito, umabot na sa 701,224 pamilya o 6,203,826 katao ang apektado dahil sa bagyo. Sa mga ito, 6,937 pamilya o 27,813 katao ang nananatili sa 60 evacuation centers. Ayon sa NDRRMC, 63,040 mga bahay ang tuluyang nagiba habang 95,544 naman ang nasira. Tinatayang aabot sa P24,160,920,528.05 ang halaga ng pinsala ng bagyo, kabilang na ang mga sumusunod:
- P16,350,529,805.05 sa agrikultura - P7,761,431,310 sa imprastruktura - P48,959,413 sa mga pribadong ari-arian
Samantala, apat na mga daan at 12 mga tulay ang nananatiling hindi madaanan, habang tatlo pang mga lugar ang nakararanas ng abala sa kanilang komunikasyon. Wala pa ring kuryente sa 30 mga lugar, at walang tubig sa anim na mga lugar. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News More Videos
Most Popular