ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Miss Philippines Janine Mari Tugonon, 1st runner-up sa Miss Universe pageant


Pumangalawa si Miss Philippines Janine Mari Tugonon sa Miss Universe pageant nitong Huwebes sa Las Vegas, Nevada sa United States. Matatandaang muntik na ring masungkit ni Miss Philippines Miriam Quiambao ang korona noong 1999, at siya rin ay naging second runner-up. Nanalong Miss Universe si Miss USA Olivia Culpo para sa taong ito. Ang ibang mga panalo ay sina:             Irene Sofiá Esser Quintero, Venezuela (2nd runner up)     Renae Ayris, Australia (3rd runner up)     Gabriela Markus, Brazil (4th runner up) Sa Question and Answer portion, tinanong ng kilalang photographer na si Nigel Barker si Tugonon, 23, ng isang tanong mula sa Twitter: "As a global ambassador, do you think speaking English should be a prerequisite to being Miss Universe?" Sumagot naman si Tugonon: "Language isn't the only important thing. As long as you can influence and inspire other people, as long as you have a strong mind, spirit, you can be Miss Universe." Sa pre-pageant interview, tinawag ni Tugonon ang Miss Universe pageant bilang "a battle of a lifetime" para sa kanya. "If I make it here, I feel that I can give them (Filipinos) hope, and it's an early Christmas gift to them," aniya. Magkakasunod na taon Sa ikatlong magkasunod na taon, nakasama sa Top Five ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant. Noong 2011, nanalong third runner-up si Miss Philippines candidate Shamcey Supsup sa Miss Universe competition sa São Paulo, Brazil. Nauwi ni Leila Lopes, 26, ng Angola ang korona para sa taong iyon. Nasungkit naman ni Maria Venus Raj, 25, ang fourth place sa kumpetisyon noong 2010 sa Las Vegas, Nevada. Si Ximena Navarrete ang nakakuha ng korona sa taong iyon. Sa ngayon, dalawang Pilipina pa lamang ang nakauwi sa prestihiyosong titulo. Ang unang Pilipina na nakauwi ng korona ay si Gloria Diaz, noong 18 taong gulang pa lamang siya. Nasungkit niya ang prestihiyosong titulo ng pageant na ginanap noong 1969 sa Miami Beach, Florida. Mula nito, naging kilalang artista siya at gumanap sa naging sikat na pelikulang "Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa." Si Margarita "Margie" Moran ang ikalawang Pilipinang nakauwi ng korona noong 1973. Sino si Janine Tugonon? Ipinanganak si Tugonon, na may height na 5' 9", sa Balanga, Bataan. Nagtapos siyang cum laude sa kursong Bacherlors Degree in Pharmacy mula sa University of Santo Tomas (UST). Ayon sa The Varsitarian, ang official student publication ng UST, bago pa man siya sumali sa Binibining Pilipinas pageant, nanalo na siya sa The Search for the Ideal Thomasian Personality. Bago sumali sa Binibining Pilipinas, kumuha siya ng Pharmacy board exams at nakakuha ng lisensya noong Hunyo 2010. Nitong 2011, sumali si Tugonon sa Binibining Pilipinas pageant kung saan nanalo siyang 1st runner-up. Napunta kay Shamcey Supsup ang korona. Matapos ang kanyang pagkatalo, sumali siya muli at tuluyan nang nakuha ang titulo bilang 2012 Binibining Pilipina-Miss Universe. Matapos ang halos pitong buwang pag-e-ensayo para sa Miss Universe pageant ngayong taon, nakagawa si Tugonon ng sarili niyang signature walk na tinatawag niyang "Cobra walk." "Kasi may power. 'Yon 'yong palaging sinasabi sa akin ng trainer ko, eh. Kailangan paglumakad ka kailangan may power, 'yong aura mo lalabas so ayun... kaya siya distinct," aniya. 'Lord, thank You' Sa panayam ng "Balitanghali" ng GMA News TV, inihayag ni Tugonon na mas naging "confident" siya nang umabot siya sa Top 16 at umabot sa question-and-answer portion. "Hindi na ako kinakabahan," aniya. "Ganun kasi ako...  nag-iisip na lang ako ng sasabihin ko." Sa Question and Answer portion, tinanong ng kilalang photographer na si Nigel Barker si Tugonon ng tanong mula sa Twitter: "As a global ambassador, do you think speaking English should be a prerequisite to being Miss Universe?" Sumagot naman si Tugonon: "Language isn't the only important thing. As long as you can influence and inspire other people, as long as you have a strong mind, spirit, you can be Miss Universe." Miss Universe 2012 Ang 20-taong-gulang na nakasungkit sa Miss Universe crown sa taong ito ay ang ika-8 Amerkinaong nanalo sa kasaysayan ng pageant. Si Olivia Culpo, na anti-breast cancer advocate, mula Rhode Island, ang napili ng mga hurado mula sa 89 mga kalahok na kinatawan ng iba't ibang mga bansa. Si Culpo ang pumalit kay Leila Lopes, ang nanalo noong nakaraang taon at pinakaunang Miss Universe mula Angola. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News