ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang nangangaroling, nasagasaan ng bus, patay; driver, inihatid muna ang mga pasahero bago sumuko


Isang 12-anyos na babae na nagangaroling ang namatay matapos siyang masagasaan ng bus sa Nabas, Aklan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Lunes, iginiit ng driver ng bus na biglang tumawid ang bata kaya niya nasagasaan. Hindi rin umano niya tinakbuhan ang biktima. Inihatid lang daw muna niya ang mga pasahero bago siya sumuko sa pulisya Nangako naman ang may-ari ng kumpanya ng bus na sasagutin ang gastusin sa pagpapalibing sa biktima. Hindi na magsasampa ng kaso ang magulang ng bata, ayon pa sa ulat. -- FRJ, GMA News