Ang mga ipinagbabawal na paputok ng PNP
Bilang pag-iingat sa pagsalubong sa bagong taon, nagpalabas ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga iligal at ipinagbabawal na uri ng paputok. Alamin kung ano ang mga ito. -Watusi -Piccolo -Super Lolo -Atomic Big Trianggulo -Mother Rocket -Lolo Thunder -Pillbox -Boga -Big Judah's Belt -Big Bawang at -Kwiton. Sa naging pagsalubong sa bagong taon ng 2012, iniulat na halos umabot 1,000 katao ang biktima ng paputok at ligaw na bala sa bansa. Sa nasabing bilang, tatlo sa kanila ang nasawi. Karamihan sa mga batang dinala sa pagamutan ay sinasabing nabiktima ng Piccolo. Nganit ngayon, may iba pang uri ng malalakas na paputok na nagsulputan na ipinagbabawal din ng PNP. Ang mga ito ay ang tinatawag na: -Goodbye Philippines -Bin Laden -Coke-In-Can -Kabasi -Atomic Bomb -Five Star -Pla-Pla -'Og' -Giant Whistle bomb at iba pang paputok na walang marka o mula sa ibang bansa. - FRJ, GMA News