ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
LPA sa Mindanao isa nang ganap na bagyong 'Auring'
Isinailalim sa Strom Signal No. 1 ang siyam na mga lugar sa Mindanao at sa Visayas matapos maging tropical depression ang binabantayang low-pressure area at ngayo'y pinangalanan na bagyong Auring, ang pinakaunang bagyo sa taong ito.
Satellite image as of 11 a.m., December 3 Ayon kay PAGASA forecaster Aldczar Aurelio, si Auring ay maaaring magdala ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Palawan. "Moderate to heavy ang dalang ulan ni Auring. Kahit tropical depression lang siya, ang ulan ang ating binabantayan," ayon kay Aurelio sa panayam sa dzBB. Si Auring, aniya, ay magdadala ng ulan na 5 hanggang 15 mm kada oras (moderate to heavy). Ang mga lugar na isinailalim sa Storm Signal No. 1 ay ang mga sumusunod:
Palawan Southern part of Negros provinces Siquijor Island Lanao del Norte Lanao del Sur Misamis Occidental Zamboanga del Norte Zamboanga del Sur Zamboanga Sibugay
"Inaasahan natin na bukas (Friday) ng gabi nasa labas na siya ng Philippine area of responsibility (PAR)," ayon kay Aurelio. Batay sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, dakong 10 a.m., si Auring ay namataan 50 km sa kanlurang bahagi ng Dipolog City. Ito'y may lakas na hanging 55 kph malapit sa gitna at tinatayang kikilos pakanluran sa bilis na 28 kph. Tinatayang sa Biyernes ng umaga si Auring ay nasa 180 km timog-kanluran ng Puerto Princesa City, at 460 km sa kanlurang bahagi ng siyudad Biyernes ng gabi (labas ng ito ng PAR). "Residents living in low-lying and mountainous areas under public storm warning signal No. 1 are alerted against possible flash floods and landslides," ayon sa PAGASA. Pinag-iingat ng PAGASA ang mga mangingisda at mga maliliit na mga bangka na huwag munang pumalaot sa mga karagatan sa silangang bahagi ng bansa dahil kay Auring. Gayun din, maybabala ito sa mga mandaragat sa hilaga at kanlurang karagatan ng Luzon laban sa malalakas na alon dahil sa epekto ng hanging amihan. — LBG, GMA NewsMore Videos
Most Popular