ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinakamalaki, pinakamaliit na paniki
Umaabot sa 56 ang species ng paniki na makikita sa Pilipinas. At dito sa ating bansa makikita ang mga pinakamalaki at pinakamaliit na uri nila. Sa virgin forest ng Subic Bay sa Zambales makikita ang dalawa sa pinakamalalaking uri ng paniki sa mundo. Ito ay ang flying fox o acerodon jubatus at ang golden crown flying fox o pteropus vampyrus. Ang pinakamaliit na paniki naman na kung tawagin ay Philippine bamboo bat o vespertilionid ay may sukat lamang na apat na sentimetro o 1 1/2 pulgada.-GMANews.tv
More Videos
Most Popular