Mga unang fire station sa Maynila
Alam niyo ba kung saang lugar sa Maynila unang itinayo ang apat na pangunahing fire station noong panahon na nasa ilalim pa ng pamamahala ng Amerika ang Pilipinas. Taong 1901 nang itatag ng United States – Philippine Commission ang Manila Fire Department na pinamunuan ni Fire Chief Hugh Bonner, na dating pinuno ng New York City Fire Department. Apat na fire station ang itinayo ni Bonner na binubuo ng Station 1-San Nicolas (Tanduay) Station; Station 2-Sta Cruz Station; Station 3-Paco Station; at Station 4-Intramuros Station. Nang ipaubaya na ng Amerika ang pamamahala sa Pilipinas, itinalaga na ang kauna-unahang Pinoy Fire Chief na si Jacinto Lorenzo noong 1935, na naganap bago ang inagurasyon ng Commonwealth government. -- FRJimenez, GMA News