ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Silang mga naging Senate President ng bansa


Ang 12 senador na mananalo sa May 2007 elections ay mapapabilang sa ika-14th Congress para samahan ang natitirang 12 senador. At sa bagong komposisyon ng Senado, kailangan nilang pumili ng bagong Senate President. Kilala nyo ba kung sino ang senador na pinakamaraming ulit na nahalal bilang lider ng Senado? Sina dating Senador Eulogio Rodriguez at Neptali Gonzales Sr., ay kapwa limang ulit na nahalal bilang Senate President. Naging lider ng Senado si Rodriguez noong Commonwealth Republic (1952-1953; 1953-1953; Third Congress (1953-1957); Fourth Congress (1957-1963) at Fifth Congress (1957-1963). Samantala, pinamunuan naman ni Gonzales ang Senado noong Twelfth Congress (1992-1992); Ninth Congress (1992-1993); (1993-1995); Tenth Congress (1995-1996); at (1998-1998). Si dating Pangulong Manuel Quezon naman ang unang nahalal na Senate President noong 1916-1935. Ang iba pang naging Senate President ay sina dating Sens. Manuel Roxas; Camilo Osias; Jose Zulueta; Arturo Tolentino; Gil Puyat; Ferdinand Marcos; Jose Avelino; Mariano Jesus Cuenco; Mariano Jesus Cuenco (LP); Quintin Paredes; Jovito Salonga; Franklin Drilon; Edgardo Angara; Ernesto Maceda; Marcelo Fernan; Blas Ople; Aquilino Pimentel, Jr.; at incumbent Senate President Manuel Villar.-GMANews.TV