ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

P4M, ibinayad sa Sayyaf para sa paglaya ng bihag na Australian


Binayaran umano ang Abu Sayyaf group ng US$97,750 (P3.99M) kapalit ng palaya ni Warren Rodwell (isang Australian), na nagtiis ng 15 na buwan bilang isang bihag, ayon sa Australian media sa ulat ng Agence France-Presse nitong Linggo. Pinakawalan noong Sabado sa Pagadian sa Mindanao si Rodwell, 54, at dating isang  sundalo ng Australia. Siya ay binihag noong Disyembre 5, 2011. Tumanggi namang magsalita ang mga awtoridad ng Pilipinas at Australia kung nagkaroon ng bayaran ng ransom, ngunit ayon sa Fairfax Media ng Australia, ibinunyag ng key negotiator na nagbigay umano ng $97,750  sa katubas na halaga ng Philippine peso. Mas mababa ito sa $2 million na inisyal na hiningi ng mga kidnapper. Sinabi ng negotiator, Al Rashid Sakalahul, sa Fairfax na humihingi ng $400,000 ang mga kidnapper. Ngunit pumayag din ang mga ito sa mas mababang halaga. "It was really a tough negotiation but in the end, with God's help, we managed to secure the release of Rodwell," salaysay ani Sakalahul, vice-governor ng probinsya ng Basilan, sa Fairfax. Ayon sa kanya, ibinunyag niya ang presyo na ibinayad upang pabulaanan ang mga balitang nakatanggap siya ng benepisyo sa kanyang pakikipagnegosasyon sa mga kidnapper. "I don't want to be accused by anyone that I benefited from this negotiation – that's why I came up with this admission," aniya. "My only mission is to save the life of Rodwell by getting him out of the Abu Sayyaf." Ayon kay Sakalahul, hindi niya alam kung saan nanggaling ang pera, ngunit ibinigay ito sa asawa ni Rodwell na Miraflor Gutang (isang Filipina) at sa kapatid nitong si Roger. Ayon kay Australian Foreign Minister Bob Carr, hindi galing sa gobyerno ng Australia ang pera. "Just be clear that the Australian government never pays ransoms," aniya sa Australian Broadcasting Corporation. "I won't comment on arrangements that may have been made by Mr Rodwell's family and Abu Sayyaf, made through the Philippines anti-kidnapping unit and their police force." Inilipad si Rodwell noong Sabado patungo sa military base sa Zamboanga, kung saan siya magpapagaling. Ayon sa Australian media, inaasahang mananatili siya sa ospital ng hanggang isang linggo. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News