ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Stations of the Cross sa Mt Zion sa Bugallon, Pangasinan, dinadayo
Isa ang Mt Zion sa Bugallon, Pangasinan sa mga dinadayo tuwing panahon ng Semana Santa dahil sa tahimik nitong lugar na akma sa mga taong nais pagtibayin ang kanilang pananampalataya. Sa ulat ni Jett Arcillana ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing dahil sa tahimik at maaayos ang lugar, taimtim na naisasagawa ng mga mananampalataya ang kanilang tradisyon at panatang Station on the Cross. Kabilang sa mga naabutan ng GMA News sa Mt. Zion ay ang pamilya Tanos na nagmula pa sa Amerika. Bukod sa magandang lugar para manalangin, sinabi ni Gng. Athena Tanos, na nakakaalis din ng pagod at alalahanin ang lugar. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular