ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dating Ilocos Norte Gov. Michael Marcos Keon, umatras sa laban bilang mayor ng Laoag


Iniatras na ni dating Ilocos Norte Gov. Michael Marcos Keon ang kaniyang kandidatura bilang alkalde ng Laoag City sa darating na halalan sa Mayo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nagtungo si Keon sa tanggapan ng Commission on Election (Comelec) sa lalawigan nitong Martes para ihain ang kanyang withdrawal of candidacy. Iniatras umano si Keon ang kanyang kandidatura para hindi na sila magkagulo ng kanyang pinsan na si incumbent Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, na sumuporta sa kandidatura ng kanyang kalaban sa pagka-alkalde na si Chevylle Fariñas. Si Chevylle ay misis ng out-going mayor ng Laoag na si Michael Fariñas. Sa pag-atras ni Keon, tatlo na lamang ang maglalaban sa posisyon ng pagka-alkalde sa lungsod. Makakalaban ni Chevylle sina Cesar Ventura at si Roger Fariñas, tiyuhin ni Michael. - FRJ, GMA News