ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Misis na may sakit umano sa pag-iisip, ikinadena ni mister


Naabutan ng GMA News na nakakadena sa puno ng niyog ang isang 33-anyos na ginang na mayroong tatlong anak sa isang barangay sa Jaro, Iloilo City. Sinabing ang mismong mister nito ang nagkadena sa ginang upang hindi makaalis sa kanilang lugar. Nagsimula raw na mawala sa sarili ang ginang noong 2008. Palagi umano itong umaalis ng kanilang bahay. Ngunit lalong raw lumala ang kondisyon ng ginang nang patirahin  ng mister sa kanilang bahay ang kerida nito na nagsilang ng sanggol kamakailan lamang. Sinabing tubong Antique ang ginang na may sakit sa pag-iisip ngunit hindi nila ito maiuwi dahil may problema rin ang pamilya nito. Kaya kahit na nakatali, itinataguyod na lang ng pamilya ang ginang para mapakain at kung minsan ay nabibigyan ng gamot. Idinulog na ng GMA-Ratsada sa City Social Welfare Development Office ang kalagayan ng ginang at nangako naman ang aksiyon ang nasabing tanggapan -- Mavic Tse Wing/FRJ, GMA News