ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang kita ng pamilya na ikinukonsiderang namumuhay sa 'kahirapan'


Sa ipinalabas na bagong ulat ng National Statistical Coordination Board (NSCB), sinasabing nasa 27.9 percent ang poverty incidence sa bansa sa first semester ng 2012. Alam niyo ba kung magkano ang kinikita bawat buwan ng isang pamilya na ikinukonsiderang namumuhay sa "kahirapan?" Ayon sa NSCB, ang isang pamilya na mayroong limang miyembro ay maikokonsiderang nabubuhay sa "kahirapan," kung ang kinikita nito ay nasa P7,821 bawat buwan. Ang naturang halaga ay para matustusan ang kanilang pangangailangan sa pagkain, edukasyon, transportasyon, tirahan, damit at iba pa. Nasa "matinding kahirapan" naman ang kalagayan ng isang pamilya na mayroong limang miyembro kung ang kinikita nila ay nasa P5,458 bawat buwan, na para lamang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain. - FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia