ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Gang rape vs Pinay sa Papua, iimbestigahan ng DFA
Iimbestigahan ng Department of Foreign Affairs ang kaso ng gang-rape laban sa isang Filipina Papua New Guinea. Ayon sa ulat ng dzBB, sinabi ni DFA Secretay Albert del Rosario na magpapadala sila ng senior officer sa Papua New Guinea para alamin kung anong tulong ang maaring ibigay sa biktima. Hindi na pinangalanan ang biktima batay na rin sa kahilingan nito na igalang ang kanyang "privacy." Una ng kinumpirma ng DFA na ginahasa ang pinay ng 10 lalaki sa isang bahay sa Port Moresby at pinatay ng mga ito ang Australian na si Robert Purdy noong nakalipas na Linggo. — RC /LBG, GMA News
More Videos
Most Popular