
E. San Juan Jr.
Ay naku, ilan taon na akong nagtuturo ng wikang Filipino dito sa Hapon ngunit di ko pa kabisado ang pagyuko sa mga kempetai o ispelengin ang hiwaga ng kanji hiragana o katakana-- Nais kong matuto sila ng paggamit ng "kamusta" "paalam" "maganda" "pag-ibig" "luwalhati" "panaginip" kaya tinuruan ko rin ng tinikling itik-itik singkil Subalit nahumaling sa pagsayaw-- indayog ng daliri wagayway ng panyo ngiti rito't tawa doon, nasaan ang tunggalian ng uri? nahan ang dahas ng pasismo't imperyalismo? Masarap magkuwento ng Boracay kaysa Payatas, Balagtas kaysa Jonas Burgos, anong sarap ng chika-chika sa halina ng pandiwa't pang-uri kaysa dahas ng Estado. Mula sa makiring Osaka, di ko pa nasisilip ang yelo sa tuktok ng Mt. Fuji.... Samantala, may ilang estudyanteng nais mag-turista't mausisa lahat.... Nagkaroon na ng People Power 1, People Power 2, at may bantang sumiklab muli sakaling pauwiin na lahat ng OFW sa Saudi Hong Kong Europa.... Ilang kababayan ang nag-asawa na ng Hapon at Saudi para sigurado.... Ngunit teka--mausok at nakababagot, di na matiis ang trapik sa EDSA, nagbabanta pa rin si Palparan, tumitindi ang pagpatay at pagdukot, gumagala pa rin ang mga teroristang Abu Sayyaf kaya payo ko sa kanila, dito na lang kayo sa mariwasang kabibi--bakit pa ipapain ang katawan upang mapahamak sa "Perlas ng Silangan"? Dito na lang kayo sa masaganang lupa ng cherry blossoms yen arigato alindog ng geishang nagsasayaw sa lilim ng mga templo ng Buda sa Hiroshima at Nagasaki malayo sa tsunami sa Spratley at pirata sa dagat Sulu ng Mindanao-- Dito na lang kayo mag-aral ng wika nina Bonifacio Sakay Ka Roger upang magamit ang salitang "kalayaan" "puri" "dangal" "katarungan" putris, pati na "Makibaka huwag matakot!" "galit" "higanti" "Lintik!" Walang hiya ka!" "Oras mo na"-- 'nak ng tupa! Oo nga, kumadre, bakit kailangang pigilin ang dila't isip bago pa man dumating ang pulis at sundalong dudukot at papatay? Bakit? Sayonara! Oo, halina kayo sa bayan ng mayumi't mapanggayumang babaylan-- Baka sakaling matuklasan natin ang niyebe ng Mt Fuji sa tugatog ng bulkang Mayong sumasabog. *** [
Si Teresa Magbanua (Nobyembre 4. 1871- Agosto 1947) ay isa pang maipagkakapuring Pilipina, ang natatanging babaeng heneral tulad ni Reyna Sima, Prinsesa Urduja at Gabriela Silang ay pinatunayan na ang mga babae ay may angking kakayahan tibay ng puso at katapangan at handang magsakripisyo o maghandog man ng buhay kung kinakailangan.]