ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang Pinoy na itinalaga sa Gabinete sa ilalim ng American regime


Alam niyo ba na tubong Cebu ang sinasabing unang Pilipino na nahirang na maging kasapi ng  Gabinete nang panahon sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas. Taong 1917 nang maitalaga sa ilalim ng Jones Law ang Cebuano na si Atty. Dionisio Jakosalem, bilang kalihim ng komersiyo at komunikasyon sa ilalim ng pamamahala ni Gov. Gen. Francis Burton Harrison.   Nakasaad sa website ng National Historical Commission of the Philippines na itinalaga rin si Jakosalem bilang kasapi ng unang Philippine independence mission sa Amerika noong 1919.   Hindi katulad ng ibang opisyal na tumatanda sa kanilang posisyon, kusang nagbitiw sa kanyang posisyon si Jakosalem noong 1922 upang mabigyan ng pagkakataon ang iba na mamahala.   Ngunit bago maging kalihim, nagsilbi rin si Jakosalem bilang municipal secretary sa kanyang bayan ng Dumanjug sa Cebu; naging justice of the peace ng Cebu; kasapi ng municipal council at pagkaraan ay naging provincial board member; at naging gobernador ng lalawigan. Pumanaw si Jakosalem sa edad na 53 dahil sa sakit noong 1931. - FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia