ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Malakas na ulan na may kasamang yelo, bumuhos sa Bayambang, Pangasinan


Sa kabila ng mainit na panahon na nararanasan sa maraming bahagi ng bansa, nagulat ang mga residente sa Bayambang, Pangasinan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang yelo. Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado, sinabing sinabayan ng malakas na hangin ang pag-ulan na naging dahilan para matumba ang ilang puno at poste ng kuryente. May mga bubungan din at yero na nilipad, at nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa ilang lugar. Idinagdag sa ulat na tumagal lang ng ilang minuto ang malakas na buhos ng ulan sa lugar. - FRJ, GMA News