ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pamilya ng bagong silang na sanggol na namatay matapos maputol ang ulo, 'di na magsasampa ng reklamo


Dahil sa kawalan ng pera, hindi na magsasampa ng reklamo laban sa ospital ang pamilya ng sanggol na naputol ang ulo habang iniluluwal sa Davao City noong Miyerkules. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing nakalabas na ng ospital ang 16-anyos na ina ng sanggol at nakaburol na rin sa isang punerarya ang bata. Wala raw sapat na pera ang pamilya ng ginang para kasuhan pa ang Southern Philippines Medical Center kung saan aksidenteng naputol ang ulo ng sanggol. Tanggap na rin daw ng pamilya ang nangyari sa bata. Hindi naman daw pinagbayad ng ospital ang pamilya ng ginang. Una rito, ipaliwanag ng duktor sa ospital na patay na umano ang pre-mature na sanggol na 400 grams lang ang timbang bago pa mailuwal ng ina. -- FRJ, GMA News

Tags: baby, babies