ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamalaking simbahan


Alam nyo ba na ang pinakamalaking simbahan sa East Asia ay winasak ng pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas? Ang Taal church o Basilica ng St. Martin de Tours sa Taal, Batangas na itinayo ng Augustinian Missionaries noong 1572 ang kinikilalang pinakamalaking simbahan Katoliko sa East Asia. Katunayan, sa laki nito ay maaari pang magtayo ng isa pang simbahan sa loob nito. Nawasak ang simbahan nang pumutok ang kinikilalang pinakamaliit na aktibong bulkan na Taal noong 1754. Agad naman itong naipagawa ngunit muling nasira nang magkaroon ng malakas na lindol noong 1849. Muling isinaayos ang simbahan noong 1856 na patuloy na nasisilayan ng kasalukuyang henerasyon.-GMANews.TV