ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Palasyo: Iwasan ang ispekulasyon ukol sa imbestigasyon sa pagkamatay ng Taiwanese


Nanawagan ang Malakanyang nitong Linggo na huwag muna gumawa ng mga ispekulasyon ukol sa imbestigasyon ng Pilipinas sa pagkamatay ng isang Taiwanese na mangingisda noong Mayo 9 sakaragatan ng Pilipinas.

Sinabi ito ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte bilang reaksyon sa ulat na diumano ay nakita sa video ng Coast Guard na nagtatawanan ang mga tauhan nito habang pinagbabaril ang sasakyang pangisda ng Taiwanese.

“Allow us to caution the public that these anonymous sources of information, we don’t know if (it is the) correct information. These anonymous reports may or may not be the actual thing. Hintayin natin ang opisyal na maging pahayag (sa) imbestigasyon," sabi niya.

Sinisimulan na ng National Bureau of Investigation na pagtagpi-tagpiin ang mga ebidensiyang nakalap nila matapos pumunta ang isang team sa Taiwan noong nakaraang linggo.

Ang grupo naman ng Taiwanese probers ay nakauwi na rin mula sa imbestigasyon nila sa dito Maynila.

Ayon kay Valte, dadaan muna kay Justice secretary de Lima ang ulat ng NBI bago ibigay kay Pangulong Benigno Aquino.

“As I understand, the story was attributed to a source. At this point we would not make any comment until final results of the investigation are made public,” sabi ni Valte.

“We would defer comment at this point while the investigation is still not officially done,” dagdag niya. -- JGV /LBG, GMA News