Ang 'malusog' na inspirasyon ni Pol Medina Jr. sa paglikha ng 'Pugad Baboy'
Alam niyo ba kung sino ang mga naging inspirasyon ng kilalang cartoonist na si Apolonio "Pol" Medina Jr., sa paglikha niya ng kinagigiliwang comic strip na "Pugad Baboy"?
Nagtapos ng kursong arkitektura sa University of Sto Tomas si Medina noong 1983. Pagkakuha ng kanyang lisensiya, nagtrabaho siya Middle East magmula 1985 hanggang 1987. Sa mga libreng oras niya sa trabaho ay nakagagawa siya ng comic strip na kilala na ngayon bilang "Pugad Baboy."
Basahin: Cartoonist Pol Medina, creator of 'Pugad Baboy,' resigns from PDI
Tatlong matatabang karakter ang unang nalikha ni Medina... at ang kanyang naging inspirasyon ay ang kanya mismong "malulusog" na miyembro ng pamilya -- kasama na siya at ang kanyang aso na pinangalanan niyang Polgas sa comic strip.
Bagamat nagsimulang malathala at nabasa sa pahayagang Philippine Daily Inquirer noong 1988 ang Pugad Baboy, sa pahayagang Manila Bulletin unang binalak ni Medina na ialok ang kanyang mga katha. -- FRJimenez, GMA News