ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ano ang papel ni 'Tiyo Bosyong' sa pagdeklara ng kasarinlan ng bansa sa Kawit, Cavite?


Kilala niyo ba kung sino ang tinatawag na "Tiyo Bosyong" na nagkaroon ng mahalagang papel sa makasaysayang pagdedeklara ng kalayaan ng Pilipinas na naganap sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898?   Si "Tiyo Bosyong" ay si Ambrosio Rianzares Bautista, na isinilang sa  Biñan, Laguna noong December 7, 1830.  Malayong kamag-anak ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal si Baustista, na kung tawagin niya ay "Tio Bosyong."   Kabilang sa mga kurso na tinapos ni Bautista sa University of Santo Tomas ay abogasya. At nang magtayo ng kanyang sariling law office ay Manila ay mga mahihirap ang kanyang pangunahing pinagsilbihan.   Nang inihahanda na ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang pagdedeklara ng kalayaan laban sa mga Kastila, naatasan si Bautista na siyang sumulat ng "deklarasyon ng kasarinlan." At nang araw na iwagayway ni Aguinaldo sa balkonahe ng kanyang tahanan sa Kawit ang watawat ng Pilipinas, mismong si Bautista ang nagbasa ng deklarasyon na isinulat niya sa wikang Kastila. Sa ilalim naman ng panahon ng pananakop ng mga Amerikano, itinalaga si Bautista bilang hukom sa Pangasinan.   Ilang araw bago ang kanyang kaarawan, nasawi si Bautista sa isang aksidente sa Maynila noong December 4, 1903. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia