ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unemployment rate sa Davao region, tumaas; mega job fair, isinagawa sa Davao City


Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE-Region 11) na tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa Davao region dahil sa naganap na mga kalamidad at pagdagdag ng mga bagong nagtapos sa kolehiyo. Sa ulat ni Donna Timbil-Senajon ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing malaking bilang sa 8.3 percent ng mga unemployed sa rehiyon ay mula sa sektor ng agrikultura. Kaya naman sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules,  isang mega job fair ang idinaos ng DOLE -Region 11 sa Davao City kung saan mahigit 15,000 ang iniaalok na trabaho. Dahil walang pasok nitong Miyerkules, dinagsa ng libu-libong aplikante ang job fair na nilahukan ng 64 local employers at 33 overseas agencies. - FRJ, GMA News