ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mag-asawa, nasawi sa sunog sa Cebu City


Isang mag-asawa ang namatay, samantalang 20 bahay naman ang natupok ng apoy sa isang residential area sa Cebu City nitong madaling araw ng Miyerkules.   Sa ulat ng radio dzBB, sinabing nagsimula ang sunog sa A. Lopez Street sa barangay Labangon dakong 1:00 a.m. nitong Mieyrkules na tumagal ng mahigit isang oras.   Kinilala ang mga nasawi na sina Margarita at Edgardo Niego. Wala naman ibang naiulat na nasugatan.     Sa hiwalay na ulat sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabi ng kaanak ng mga biktima na paralitiko ang lalaki at maaaring nahirapan silang makalabas ng bahay.   Inaalam pa ng mga imbestigador ang katotohanan sa nagsimula ang sunog dahil sa nag-overheat na electric fan. - JGV/FRJ, GMA News