ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 estudyante sa Manaoag, Pangasinan, halos sabay-sabay na nagwala sa paaralan


Nagkagulo sa isang paaralan sa Manaoag, Pangasinan nang halos magkakasabay na nagwala ang tatlong estudyanteng dalagita.   Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing nahirapan ang mga taong pumipigil sa mga estudyante na nagpupumiglas.   Dahil sa nangyari, hindi maiwasang matakot ang iba pang mag-aaral.   Kuwento ng isa sa mga dalagita, bago mangyari ang kanilang pagwawala ay may narinig siyang bulong na sasapi sa kanya.   Nagbanta rin daw ang naririnig niyang tinig na papatayin sila kung hindi siya papayag.   Ayon naman sa ama ng isa sa mga dalagita, nahihirapan na ang kanyang anak dahil halos hindi na ito nakapag-aaralan.   Naniniwala naman ang guidance counselor ng paaralan na labis na pagod o stress, o may pinagdadaang problema sa kanilang bahay ang mga bata kaya pinayuhan nila itong maging matatag at magdasal.   Sakabila nito, ipinagdasal pa rin ang mga bata para kanilang ikabubuti.   Noong nakaraang linggo, walong estudyante rin sa bayan ng San Fabian ang hinihinalang sinapian ng espiritu ang nanginig ang katawan at tumirik ang mga mata. -- FRJ, GMA News

Tags: sapi, sanib, possess