ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rehiyon na may pinakamaraming barangay sa Pilipinas


Batay sa datos ng isang ahensiya ng pamahalaan, lumilitaw na umaabot sa 42,027 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas. Pero alam niyo ba kung anong rehiyon ang may pinakamaraming barangay sa bansa? Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), ang Region VIII  (Eastern Visayas region) ang may pinakamaraming barangay sa bansa na umaabot sa 4,390. Sumunod dito ang Region VI (Western Visayas) na may 4,051 barangay, at ang Region IV-A  (Calabarzon) na 4,011. Pinakakaunti naman ang bilang ng barangay sa Region XI (Davao region), na may 1,162 barangay. Sinundan ito ng Region XII (Soccsksargen) na may 1,194 barangay at Cordillera Administrative Region (CAR) na may 1,176. Ang National Capitol Region (NCR), may kabuuang 1,706 barangays; Region I (Ilocos Region), 3,265; Region II (Cagayan Valley), 2,311; Region III (Central Luzon), 3,102; Region IV-B (MIMAROPA), 1,458; Region V (Bicol Region), 3,471; Region VII (Central Visayas), 3,003; Region IX (Zamboanga Peninsula), 1,904; Region X (Northern Mindanao), 2,022; Region XIII (Caraga), 1,311;  at Autonomous Region in Muslim Mindanao, 2,490. -- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia