ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pamahalaan, pinag-iisipang di na gawing krimen ang prostitusyon at sugal


Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad na i-decriminalize na ang prostitusyon at pagsusugal dahil ang mga ito raw ay hindi talaga maituturing na krimen kundi bunga ng kahirapan.

Sa isang press conference sa Maynila upang magbigay ng update sa pagrebisa ng 80-taong Revised Penal Code, sinabi ng mga miyembro ng Criminal Code Committee, na siyang gumagawa ng pagrebisa, na ang prostitusyon at pagsusugal ay "candidates for deletion" sa RPC.

"Apparently the trend is something social. (Prostitution is more like a) social problem... (Kaya)
malamang i-decriminalize [ito]," sabi ni Makati chief prosecutor Feliciano Aspi, sabay sabing pati ang sugal din ay kabilang dito.

"These crimes are just committed because of poverty so why penalize poverty? The state should provide jobs for them," aniya.

Ngunit ayon kay Aspi, kahit hindi na ituring na krimen ang prostitusyon at sugal, maaari pa rin itong masakop ng "special laws."

Ayon naman kay Raoul Creencia, isang government corporate counsel, ikinunsidera nilang i-decriminalize ang prostitusyon at sugal matapos magsagawa ng "focus group" discussions sa ilang mga kababaihan at miymebro ng simbahan, group meetings, roadshows at workshops, pati na rin ang pagkonsulta sa mga eksperto.
 
"One of the suggestions was to retain some crimes against women and children as special laws. There is a strong lobby to retain that," sabi niya. — JGV /LBG, GMA News